GINAGAMIT ni Environment Secretary Gina Lopez ang kanyang
puwesto sa administrasyon para tumabo ng pera ang kompanya na pag-aari ng
kanyang pamilya.
Ito ay matapos niyang bigyan nitong January lang ng
environment compliance certificate (ECC) ang Green Core Geothermal Inc. na
maitayo ang Tongonan Geothermal Power Project in Barangay Lim-ao, Kananga,
Leyte kasabay ng kanyang pagpapasara o pagsuspinde sa operasyon ng mga
kakompetensiyang kompanya.
Kapalit ng pagkakamal ng kita ng Green Core Geothermal Inc.
ay litaw na litaw ang bias at conflict of interest sa parte ni Sec. Lopez at
ito ang dapat mabatid ng mga mambabatas na uupo sa confirmation ng kalihim sa
March 1.
Ang takot ng marami ay hindi magagampanan nang ganap ni Sec.
Lopez ang kanyang tungkulin kapag ganito lalo’t ang Lopez family ay involved sa
energy sector.
Ang tanong tuloy ngayon ay paano niya bibigyan ng patas na
hatol ang mga environment catastrophe kapag sangkot na ang energy business ng
mga Lopez tulad 2010 FPIC pipeline na sumira sa West Tower Condominium.
Ang geothermal power plant ng mga Lopez na kompleto sa
auxiliary systems at 138-kilovolt substation ay nakatayo sa mahigit 14 ektarya
ng bundok at inaasahang makalilikha ng 123 megawatts.
Maaaring imbestigahan ng publiko ang inisyung ECC pabor sa
Green Core Geothermal Inc. sa tanggapan ng Environmental Management Bureau na
pirmado ng isang Jacqueline Caancan — ang officer-in-charge ng tanggapan —
gamit ang otoridad o by the authority ni Lopez.
Link to original
Link to original

No comments:
Post a Comment